744
Puting van kinatatakutan sa CamSur
By

Puting van kinatatakutan sa CamSur

Nakaligtas sa kamay ng kidnapper ang tatlong Grade 6 pupil matapos tangkaing dukutin sa pamamagitan ng pagpapasakay sa kanila sa isang puting van sa Iriga City, Camarines Sur.

Batay sa nakalap na report, naglalakad ang tatlong mag-aaral papasok sa kanilang paaralan nang may mapansin silang isang puting van at pagkatapos ay hinarang sila ng limang lalaki at pilit silang pinasasakay ng van para umano ihatid sa kanilang paaralan.

Sa takot ng tatlo ay agad na nagtatakbo at nakatakas sa kamay ng mga mandurukot.

Agad na isinumbong ng mga biktima ang pangyayari sa kanilang mga magulang na agad naming ini-report sa barangay at pulisya upang mabalaan ang iba pang mag-aaral.

Kuwento pa ng mga biktima na may nakita silang batang nakahiga sa loob ng van kaya sa takot at agad silang nagsitakbo.

Kasunod nito, mas pinaigting na ngayon ang police visibility sa lahat ng barangay upang wala nang mabiktima pa ang gumagalang van.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?