139

Dec 7, 2017 @ 11:02

Putin, muling tatakbo sa pagka-presidente ng Russia

Inihayag ni President Vladimir Putin, namuno sa Russia ng 18 taon, na muli siyang tatakbo sa pagka-pangulo sa panibagong anim na taong termino sa eleksiyon sa Marso.

Kung mananalo, iyon na na huling termino ni Putin bilang lider ng Russia.

Inasahan namang mananalo sa pamamagitan ng landslide si Putin sa susunod na halalan na nakatakda sa Marso 18 dahil mataas na popularidad nito sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyang survey, nakapagtala ng 67 porsiyento si sa kabila ng alegasyon ng kahirapan, korapsiyon at mahinang healthcare program laban sa kanyang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?