55

Jun 16, 2020 @ 13:18

Puti na nanita ng Pinoy, sibak sa trabaho

Tinawag ng isang white couple ang pansin ng isang Pinoy, na mapayapang naglalagay ng “Black Lives Matter” sign sa kanyang bahay.

Sa Twitter video ni James Juanillo, isang Filipino resident ng San Francisco sa US, makikitang pinuntahan siya nina Robert Larkin at Lisa Alexander habang sinusulat niya ang kataga via chalk sa pader sa harapan ng kanyang tahanan.


“Are you defacing private property or is this your building? You’re free to express your opinions, but not on people’s property,” wika ni Larkin.

“Absolutely. Just respectfully, so we’re just saying, absolutely, your signs and everything and that’s good. This — this is not the way to do it,” sabat pa ni Alexander.

Usisa ng Pinoy, ayos lang ba kung sulatan niya ang pader kung doon naman siya nakatira. Giit ni Alexander, “kilala nila ang taong nakatira sa nasabing bahay.”

Doon na inakusahan ng 2 si Juanillo na gumagawa ng krimen, saka tumawag ng pulis.

Kwento naman ng Pinoy sa ABC7 News, agad siyang nakilala ng rumespondeng pulis at ‘di na bumaba pa ng kanilang kotse.

Samantala, nitong Lunes, sinabi ng financial services firm Raymond James na tinanggal na nila sa trabaho si Larkin–na hindi nila pinangalanan sa kanilang statement.

Matapos umanong imbestigahan ng kompanya ang insidente, napag-alaman nilang “inconsistent with our values” ang ginawa ng dalawa.


Samantala, apektado rin ang trabaho ni Alexander na CEO ng skincare company LaFace matapos sabihin ng beauty subscription service Birchbox na hindi na sila makikipagsosyo sa LaFace.

Humingi rin ang dalawa ng tawad at sinabing mali ang ginawa nilang pagkuwestiyon sa Pinoy, at na marami pa silang dapat aralin ukol sa racism–ang hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa iba’t ibang lahi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?