109

Sep 21, 2018 @ 17:36
By

Pustang droga sa cara y cruz, 2 tiklo

Nalambat ng Pasig Police ang dalawang manlalaro ng cara y cruz matapos maispatan na nagsusugal sa kalsada, kamakalawa ng gabi sa Barangay Palatiw.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nagro-roving ang mga kagawad ng Police Community Precinct-5 ang maispatan ang kumpol ng kalalakihan at nang lapitan ay nakita na nagsusugal ang mga ito gamit ang dice ng cara y cruz sa panulukan ng Villa Evangelista Compound, Barangay Palatiw, bandang alas-9:30 kamakalawa ng gabi

Agad na dinampot ang dalawang manlalaro na sina Dima Pontino y Kasan at Bryan Dimas, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Barangay Palatiw, Pasig City habang nakatakas naman ang iba pang mananaya ng cara y cruz.

Nabatid na ang pustahan ng mga manlalaro ay isang sachet ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, tatlong 25 cents bilang pangara at Php160.00 bet money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602, illegal gambling act at RA 9165, illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?