1,229
Pussy ni Angelica kinaawaan
Mar 19, 2020 @ 17:14
By

Pussy ni Angelica kinaawaan

Bored na bored nga sa ngayon si Angelica Panganiban dahil obligado ang lahat maging ang mga celebrity na manatili lamang sa kani-kanilang bahay.

Ito’y upang makaiwas na rin na tamaan ng sakit dulot ng nakamamatay na COVID-19.

Sa kanyang Instagram, nag-post ng video si Angge kung saan todo bihis pa ang aktres, at nang tinanong ng kasama niya sa bahay na si Ketchup Eusebio kung saan ang lakad nito, ang sagot niya, “Magluluto ako ng tilapia!”

Galing sa kuwarto noon si Angelika, at nang isasara na niya ang pinto, saktong papasok naman dito ang kanyang alagang pusa. Hirit ng mga netizen, mas napansin nila ang pussy cat ni Angelica, dahil habang isinasara niya ang pinto ay halos maipit na ang buntot ng pusa niya.

“Muntik ng maipit ang pusaa!hahaha nagulat ako!hahahaha.”

“Omg muntik maipit yung pusa Haahhahaha.”

“Papisil naman kay kitty cat.”

“Ung pusa ang napansin ko di si Angelica hahahaha muntikan na buntot.”

‘Yan ang makikitang karamihan ng reaksyon ng mga netizen na sobrang na-cute-an, pero nag-alala sa alagang pusa ni Angelica.

May hirit din si Ketchup na kinaaliw ng mga netizen, na habang nagluluto daw si Angelica ay ipa-park niya muna daw ang kanyang yate. Hitsurang yayamanin din kasi ang magaling na aktor, comedian.

“HAHAAHAHAHA LAUGHtrip! tindi nung mga banat ni Ketchup.”

“Nagyate pa para magkatilapia.”

“Bagay po kayo… sana kayo na lang… ang ingay siguro sa house nyo nun,” say ng isang follower.

Teka, bakit nga ba magkasama sa bahay sina Angelica at Ketchup? Hmmm…

View this post on Instagram

Epekto ng quarantine. Day 5 pa lang. kapit.

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?