66

Oct 29, 2017 @ 11:27

#PusongGINEBRA pinatumba sina Coco, Marian, Dingdong, Angel-Richard at Heart

By DONDON SERMINO

Iba rin ang basketball talaga. Ibang-iba rin ang pagmamahal ng mga Filipino sa mga basketbolista, ha!

Tuwing Friday ng gabi kasi, ang mga primetime teleserye ng ABS-CBN at GMA 7 ang namamayani sa Twitter. Mula #2 hanggang #5 top trending sa Twitter, madalas ay nakukuha ‘yan ng mga teleserye.

Kadalasan pukpukan tuwing Biyernes ng gabi ang mga pa-hashtag ng Ang Probinsyano, Super Ma’am, Alyas Robin Hood, La Luna Sangre, My Korean Jagiya, at The Good Son.

Pero, last Friday night nga, hindi namayani ang mga teleseryeng ito sa Twitter, dahil ang mga pa-hashtag na #PusongGINEBRE at #MeralcoBolts ang namayani, ha! Itsapuwera muna ang mga sikat na teleserye na kadalasan ay waging-wagi lalo na kapag Friday night.

Well, kahit naman sa mga restoran, ang basketball sa pagitan ng Ginebra at Meralco ang palabas. At kahit ang mga sikat na artista, o mga bida sa mga teleserye nila, ang basketball din ang pinanood, at tinweet, ha!

Well, ang championship trophy lang pala talaga ng Ginebra ang puwedeng makapagpatumba sa mga teleserye, o sa mga sikat na artista ngayon sa primetime.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?