73

By

Pusher, pumalag sa buy-bust sa Cavite, patay

Sharing is caring!

Isang tulak ng shabu ang dead on the spot matapos na manlaban sa mga pulis sa isang anti-drug operation sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite nitong Martes ng gabi.

Base sa impormasyong galing sa Regional Police Office 4-A, ikinasa ng GMA Police ang buy-bust operation laban sa target na si alyas Tsok tsok sa Area H, block 25, lot 5 sa Barangay Pulido.

Tapos na ang transaksyon at nagpakilala na ang poseur buyer pero sa halip na sumuko, bumunot ang suspek ng baril.

Inunahang putukan ng mga awtoridad ang suspek na agad nitong ikinamatay.

Nakuha mula sa nasawing tulak ang isang sachet ng shabu, ang P400 buy-bust money at ang baril nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?