crime
By

Pusher na pumalag sa buy-bust, tinodas sa Bulacan

Sharing is caring!

Dead on the spot ang isang drug pusher matapos na manlaban sa mga pulis sa Malolos City, Bulacan gabi ng Miyerkules.

Ayon sa ulat ng Malolos City Police, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa target na si Joseph Gallardo alyas Bukaw, residente ng Barangay San Vicente.

Aarestuhin na sana ang suspek matapos ang transaksyon pero pumalag ito at nakipagsuntukan sa poseur buyer.

Pinutukan din nito ng baril ang mga operatiba pero hindi ito tumama.

Gumanti ng putok ang mga pulis sa suspek na agad nitong ikinasawi.

Nabatid na sangkot din ang suspek sa holdapan at pagnanakaw sa Malolos at mga kalapit na lugar.

Nasamsam mula dito ang 10 sachet ng hinihinalang shabu at 32 piraso ng marijuana na nagkakahalaga ng P15,000 pati ang kalibre .22 na baril ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?