23

Oct 20, 2021 @ 20:30
By

Pusa pinilit lumangoy, kalaboso

Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos gawing swimmer ang alaga niyang kuting.

Ayon sa Kyodo News, pinuwersa ng 59-anyos na Japanese na si Masatoshi Hosono, taga-Nagoya, ang kanyang kuting na lumangoy ng mahigit isang minuto sa bathtub, na ibinahagi niya sa social media ang video at litrato.

Batay sa mga imbestigador, maituturing na paglabag sa animal protection law ang ginawa ni Hosono dahil kilalang takot sa tubig ang mga pusa.

Isang concerned citizen ang nag-report sa Aichi Police nitong Oktubre tungkol sa mga post ni Hosono.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,