871

Mar 28, 2020 @ 13:48
By

Pusa nagpositibo sa coronavirus

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang pusa ang na-test na infected ng coronavirus disease.

Ayon sa ulat sa New York Post, maaaring nakuha ng pusa ang virus sa amo niyang positibo nito.

Nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ang pusa mula sa Liège, Belgium kabilang ang hirap sa paghinga, isang linggo matapos magkasakit ang kanyang amo.

Nagtatae rin ang pusa at nagsusuka kung saan nakita ng mga researcher sa dumi nito ang virus.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nadapuan ng virus ang hayop.

Sa Hong Kong, dalawang aso na ang naunang tinamaan ng COVID, ang una ay isang 17-anyos na Pomeranian na pumanaw matapos ma-quarantine.

Nitong March 28, may 7,284 katao na ang kumpirmadong infected ng coronavirus sa Belgium habang halos 300 ang namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?