709

Dec 4, 2017 @ 14:21
By

Puro tsismis lang si Atty. Gadon, huwag paniwalaan – Lacson

Tinawag ni Sen. Panfilo Lacson na ‘triple hearsay’ ang alegasyon ni Atty. Lorenzo Gadon na susuhulan ang mga senador para ipawalang-sala sa impeachment complaints si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Gardon ang nagsampa ng impeachment complaints laban kay Sereno na dinidinig ngayon ng House committee on justice and human rights.

Giit ni Lacson, huwag nang paniwalaan si Gadon dahil panay tsismis lamang ang bitbit nito kapag humaharap sa mga konggresista kaya malamang na tsismis din ang sinasabi nito na may manunuhol sa mga senador.

“Huwag kayo maniwala masyado kay Atty Gadon. Puro hearsay ang kanya, lalong hearsay pa ito. Yan nga testify niya sa House, puro hearsay ito tsismis lalong hearsay baka triple hearsay ‘yan,” ayon kay Gordon.

Bukod sa walang kredibilidad si Gardon, sinabi ni Lacson na wala naman siyang napapag-alaman na kumakausap sa mga senador para kampihan si Sereno.

Sa kaniyang tingin, nagpapalutang lang ng alegasyon si Gadon sa mga senador para mapilitan silang idiin at patalsikin si Sereno sa puwesto.

“Maybe ito ang tact niya to put the senators on the spot if and when the articles of impeachment will be transmitted to us. Parang he’s already putting us on the spot para mag-convict kami rather than acquit,” ayon kay Lacson.

Sakaling umakyat sa Senado ang impeachment complaint, sinabi ni Lacson na kokomprontahin niya si Gadon ukol sa alegasyon nito.
“Pagdating niya rito we’ll ask him kung sino tinutukoy niyang senaador sino nagsabi sa kanya saan niya nabalitaan. Sa ngayon ayoko pa maniwala sa kanya,” ani Lacson. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?