38

Jul 13, 2021 @ 11:00

Puro talo! Team USA ginulat ng Australia

Nawawala na ba ang kinang ng USA pagdating sa basketball?

Ito’y matapos silang malusutan ng Australia, 91-83, sa isang exhibition match bilang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito lang ang ikatlong beses na natalo ng back-to-back game ang Team USA na puno ng NBA player, huli itong nangyari sa 2019 Fiba World Cup kung saan pumwesto lang sila sa ika-pitong puwesto matapos talunin ng France at Serbia.

May hawak pa na double digit advantage ang USA sa third quarter, ngunit bigla itong nalusaw nang magpakawala ang Australia ng 19-6 scoring run.

Nanguna para sa Australia ang kanilang beteranong point guard na si Patty Mills, kumolekta ng 22 points, 10 dito ay nagmula sa final quarter.

Habang malaki rin ang naging ambag ni Joe Ingles na may 17 markers, four rebounds at three assists.

Nanguna naman sa USA si Damian Lillard, na gumawa ng 22 points, anim na tres ang pinukol.

Habang hindi naman naging sapat ang 17 markers ni Kevin Durant para buhatin ang Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?