878

By

Puro sorry na lang? Maleta ni Vickie Rushton, nayupi ng PAL

Binigyan ng tsansa ng dating Binibining Pilipinas contestant ang Philippine Airlines, ngunit napuno na ang kilalang mahinahong dilag.

Sa Instagram post ni Rushton, makikita ang yuping bahagi ng kanyang bagahe, na isa pa sa kinainis nito ay nangyari pa rin kahit naka-label na fragile ang kanyang maleta.

Saad pa ng aktres, Nobyembre 30 nangyari ang insidente at sinabihan siyang mag-eemail ang PAL sa loob ng pitong araw.

Ngunit walong araw na ang nakalilipas ay hindi pa rin nito makontak ang nasabing airlines.

“Hi @flypal! Ano na? Sabi niyo within 7 days mag email kayo. Nov. 30 pa to nangyari, Dec 8 na ngayon. Last month nawala din luggage ko, ngayon ganito. Naka FRAGILE pa yan ha?” giit ng 2018 Bb. Pilipinas first runner-up.

“Ngayon tawag kami ng tawag, wala pa din. Please do something!!! Wag puro “we apologize”. Haaay!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?