26

Aug 27, 2020 @ 16:31
By

Puro reklamo! Vic Manuel banas kina Cansino, UST varsity

Hindi makapaniwala si Vic Manuel sa naging isyu ng UST men’s basketball team kung saan nagrereklamo ang mga manlalaro nito dahil sa pagkain.

Ayon sa Alaska Aces star, noong siya’y varsity player pa lamang ay kulang din sila sa pagkain at allowance kaya mas maayos na sa UST na may pinapakain pa.

Matatandaan na umalingasaw ang isyu matapos na maglabas ng screenshot si CJ Cansino ng pag-uusap nila ng mga dating kakampi kung saan nirereklamo nila ang mamantika at puro baboy na pagkain.

“Kung naranasan niyo lang hirap ko at ibang college players dati, ‘di niyo masasabi ‘yan na mga reklamo sa pagkain,” giit ni Manuel.

Saad pa ng dating manlalaro ng Philippine School of Business Administration, hindi dapat puro sarap lang ang gusto ng mga player dahil kailangan dumaan ang mga ito sa hirap.

Aniya pa, hindi umano ang pagkain ang dapat nilang ipokus kundi ang kanilang violation ng pag-ensayo sa Sorsogon kahit wala pang pahintulot ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1251654325183629&id=100010172207690

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?