121

Feb 16, 2020 @ 17:43
By

Puro mintis! Trae Young walang palag sa netizen

Tinanggap na lang ni Atlanta Hawks star Trae Young ang pang-aasar sa kanya sa social media matapos ang nakapanlulumong performance sa 2020 NBA 3-point shootout.

Sa nasabing event ay tanging 15 points lamang ang iniskor ni Young, bagama’t isa ito sa pinakamatinik na sharpshooter ngayon sa NBA.

Kaya naman naging tampulan ng tukso si Young dahil sa mga mintis nito sa nasabing event, na tanggap na tanggap ni Young at tumatawa lang.

Dahil dito’y pinuri siya ng madla dahil sa pagiging sport sa mga fan.

“I respect @TheTraeYoung for laughing at stuff like this… instead of letting it eat away at him like Kevin Durant and result in fighting with fans from a burner account. #Respect,” ayon kay @timmacdonell.

“How classy of Trae. Most athletes would defend themselves and dish out some insult. This is why you’re my favorite player,” sey naman ni @buschman_jim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?