9,858

By

Puro kaibigan ko sila, ba’t ko sila ipakulong? – Duterte sa ibang miyembro ng Magdalo

Sharing is caring!

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tanong ni Senador Antonio Trillanes IV kung bakit siya lang ang pinawalang-bisa ang amnestiya gayong marami silang Magdalo na nag-aklas noon sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na prerogative niya ito bilang pinuno ng bansa.

Ang leksiyon aniya dito para sa senador ay huwag niyang gawin sa iba ang ayaw gawin sa kanya na ang tinutukoy ay ang golden rule.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi niya iniutos ang pagbusisi sa papel ng senador dahil si Solicitor General Jose Calida ang nakapansin nito.

” Ang sagot ko sa kanya is, it’s the President’s prerogative. You read the Philippine Constitution. “The President shall have the power to pardon and grant amnesty with the concurrence, with the agreement with Congress”, ‘yan lang,” anang Pangulo.

Kaya aniya hindi nito isinama ang ibang mga Magdalo dahil wala siyang problema sa mga ito, at kaibigan niya ang mga ito.

“Wala man akong, wala man akong problema sa ibang nag-coup d’etat, puro kaibigan ko man sila yan. So sabi ko, bakit ko sila ipakulong?,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?