74

Jan 21, 2020 @ 19:45
By

Purisima, Napeñas absuwelto sa Mamasapano case

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan sina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at ex-Special Action Force chief Getulio Napeñas kaugnay sa pagkamatay ng SAF 44 sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

Batay sa 19-pahinang resolusyon, sinabi ng Sandiganbayan 4th Division na ang kawalan ng ebidensiya ang rason kaya naabsuwelto sina Purisima at Napeñas sa mga kasong graft at usurpation kaugnay sa pagkakasangkot nila sa anti-terrorist operation na humantong sa pagkamatay ng 44 SAF commandos.

Ang “Oplan Exodus” ay isinagawa para mapatay ang mga teroristang sina Zulkilfi bin Hir at Basit Usman.

Nasawi ang tinaguriang SAF 44 nang maka-engkuwentro ang puwersa ng Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pang grupo.

Dahil sa pagkakabasura ng kaso, pinababalik ang inilagak na piyansa ng dalawang dating opisyal.

Nauna nang ibinasura ang kaso laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?