27

By

Purisima dapat managot sa pagkamatay ng SAF 44 – Bato

Kinatigan pa rin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang report ng Philippine National Police-Board of Inquiry (BOI) sa Mamasapano massacre sa kabila ng desisyon ng Sandiganbayan na i-acquit sina dating PNP chief Alan Purisima at Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas sa kasong graft.

Ayon kay Dela Rosa, dapat managot sina dating Pangulong Benigno Aquino III at Purisima sa pagkamatay ng 44 SAF commandos sa kamay ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong Enero 25, 2015.

“‘Yung report, ‘yung aming operational audit report, eh hanggang kay President Aquino talagang sinasabi namin doon na may pananagutan dapat,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng mga reporter.

Sabi pa ni Dela Rosa, na bahagi ng BOI na nag-imbestiga sa insidente, mas ‘liable’ umano sina Aquino at Purisima kesa kay Napeñas.

“On the part of General Napeñas naman iba ang tingin namin sa kanya. Hindi siya gaano liable doon. Purisima at kay President Aquino ‘yan ang aming nakita doon pero kay General Napeñas hindi gaano,” sabi ni Dela Rosa.

Sinang-ayunan din nito ang pahayag ni Senador Richard Gordon na muli niyang paiimbestigahan ang Mamasapano incident.

“Pabor ako kasi mas marami akong mas mabibigat na testimonya na narinig from the survivors ng Mamasapano massacre na talagang mabibigat, personally narinig ko,” ayon pa kay Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?