39

Dec 5, 2021 @ 20:19
By

Purefoods kampeon sa leg 4 ng PBA 3X3

Dinaig ng Purefoods TJ Titans ang Meralco Bolts, 21-16, ngayong Linggo para maibulsa ang kampeonato sa ikaapat na leg ng PBA 3X3 inaugural season.

Nanguna para sa Titans si Pau Javelona na kumamada ng 10 points habang nagdagdag pa si Joseph Eriobu ng limang puntos.

Dahil sa panalo ay nakuha ng Titans ang P100,000 na cash prize.

Samantala, ang TNT naman ay pinadapa ang Platinum Karaoke, 21-20, sa battle for third.

Ang huling dalawang leg ng unang season ng PBA 3X3 ay gaganapin sa Disyembre 11-12 at Disyembre 18-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?