29

Jan 13, 2022 @ 16:10
By

PUP sa susunod na school year na ang face-to-face class

Hindi itutuloy ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang limited face-to-face class ngayong school year dahil sa banta ng COVID, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

“Ang Polytechnic University of the Philippines, sinabi sa akin ni president [Manuel] Muhi noong isang araw, ang kanilang paggamit ng option ng limited face-to-face [classes] ay next school year na nila gagawin, hindi this school year,” wika ni CHED Chairman Prospero de Vera ngayong Huwebes.

“Sa school year 2022-2023 na sila magli-limited face-to-face dahil ang kanilang pinagtutuunan ng panahon ay palakasin at pagandahin iyong kanilang online and offline delivery ng education,” dagdag pa ni De Vera.

Partikular umanong problema sa PUP ang dami ng bilang ng mag-aaral nito, kaya mas pagtutuunan muna ng pansin ng naturang pamantasan ang flexible learning.

“Para sa kanila, mas efficient na pagandahin iyong flexible learning through online and offline option kaysa problemahin iyong pangangailangan ng limited face-to-face,” dagdag pa ni De Vera. “D’yan mo makikita iyong mga universities natin ay alam nila ang kanilang dapat gawin.” (MJD)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?