83

Sep 17, 2021 @ 10:52
By

PUP nilampaso UP sa Electrical Engineering boards

Isang gradweyt mula Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa ang nanguna sa katatapos lang na Electrical Engineer Licensure Examinations.

Kinilala ng Professional Regulation Commission (PRC) ang topnotcher bilang si Bryan Bautista Estaris na siyang nakakuha ng 93.10 rating sa exam.

Siya lang naman ang pumaibabaw sa 1,668 iba pang nakapasang examinees.

Sumunod naman kay Estaris si Jaj Hiponia Sentina ng Central Philippine University na binuntutan ni Emman Joshua Baliton Busto ng UP Diliman para sa ikatlong pwesto.

Ilan pa sa mga pamantasang nanguna sa naturang eksaminasyon ang Virgen Milagrosa University Foundation, UP Los Baños, Central Mindano University at Saint Louis University.

Ginanap ang Electrical Engineering Licensure Examinations ngayong Setyembre sa Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, Cagayan de Oro, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga at Maynila. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?