175

Aug 1, 2021 @ 9:17
By

Puntod ni PNoy nagsimula nang bahain ng bulaklak

Kahit bukas pa ang ika-40 araw simula nang pumanaw si dating pangulong Benigno Aquino III, o “PNoy,” nagsidatingan na ang mga bulaklak sa kanyang puntod mula sa kanyang mga tagasuporta at kapwa politiko.

Ilan sa mga bulaklak na namataan sa puntod ng dating presidente sa Manila Memorial Park, Parañaque City ang bigay nina dating press secretary Toting Bunye at Laguna Congresswoman Len Alonte.

Ngayong Linggo nakatakdang isagawa ang 40 misa sa iba’t ibang simbahan sa bansa para sa 40th day commemoration ni PNoy na may tema ng kanyang sikat na linyang “Kayo ang boss ko.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?