212

Oct 20, 2020 @ 17:27
By

Puntod ni Erap pinakita ni Jinggoy

Buhay na buhay pa si dating Pangulo Joseph ‘Erap’ Estrada, ngunit handa na ang huling himlayan nito sa oras na may mangyari sa kanya.

Sa vlog ng kanyang anak at dating Senador Jinggoy Estrada, pinakita nito ang puntod na pinatayo mismo ni Erap sa kanilang rest house sa Tanay, Rizal.

“Believe it or not, mayroon akong ipapakita sa inyo. Maniwala kayo o hindi. Hindi ko alam, pati ako nagulat kung bakit siya nagpatayo. First time niyo lang makikita ito sa aking vlog,” ayon kay Jinggoy, na ipinakita ang ukit na mukha ng kanyang ama at nakasulat din ang paborito nitong kasabihan.

“Ito ipapakita ko sa inyo. Noong nakita ko ito, tinanong ko, ‘Bakit ka nagpatayo nito? Buhay na buhay ka pa Dad?'” kwento ni Jinggoy.

“Ito ang ipinagawa ng tatay ko, kung saka-sakaling may mangyari daw sa kanya, gusto niya dito raw siya,” aniya pa Jinggoy.

Lahad pa ni Jinggoy, madalas na naroon sa napiling paglibingan ang kanyang ama noong na-house arrest ito sa kanilang rest house.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?