crime2
By

Punong barangay sa San Mateo, Rizal patay sa pamamaril

Sharing is caring!

Nasawi ang Barangay Captain ng Pintong Bukawe San Mateo Rizal makaraang pagbabarilin sa Sitio Upper Inuman along Marcos Highway Brgy.Inarawan Antipolo City kaninang tanghali.

Ang biktima ay kinilalang si Danilo Laciste, 62 anyos residente ng Sitio Purok 2 Brgy.Pintong Bukawe, San Mateo at Punong Barangay ng Pintong Bukawe San Mateo Rizal.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar alas-12: 40 ng tanghali kanina habang minamaneho ng biktima ang kanyang tamaraw fx na may plate number. SEU 948 sa may bahagi ng Marcos Highway pauwi sa kanyang bahay nang sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng itim na motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Tumakas naman agad ang mga suspek sa direksiyon patungo sa Sitio Cabading Brgy. Inarawan, Antipolo city.

Nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya para matunton ang suspek at malaman ang motibo sa pagpatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?