127

Dec 9, 2021 @ 13:53
By

Punong barangay patay sa ambush sa Nueva Ecija

Isa na namang punong barangay ang patay matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Nueva Ecija nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Emiliano Muncal, chair ng Barangay Inspector.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa trabaho si Muncal at ipaparada sana nito ang kaniyang motor sa harap ng bahay nito nang bigla itong pagbababarilin.

Mabilis namang tumakas sa pinangyarihan ang mga suspek na sakay din ng motorsiklo.

Nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Itinakbo naman agad si Muncal sa ospital ngunit namatay din ito habang ginagamot.

Pinaghahahanap na ng mga pulisya ang mga suspek.

Samantala, kamakailan lang pinatay din si Barangay Chair Zoilo de Belen ng Lambakin sa bayan ng Jaen ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Habang si Muncal naman ang pangalawang barangay chair na pinatay sa Nueva Ecija.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?