81

Dec 19, 2020 @ 9:30

Puno ng peke! Raffy Tulfo kakaladkarin sa korte Shopee, Lazada

RP

Balak kasuhan ni Raffy Tulfo ang Shopee at Lazada kung patuloy pa rin ang pagbebenta sa kanilang platform ng mga pekeng produkto.

Sa Youtube video ni Raffy, sinabi nito na maraming mga merchant sa dalawang online selling platform ang nagbebenta ng mga pekeng Seikatsu at ‘Raffy Tulfo in Action’ merchandise.

Pinaliwanag ni Tulfo na ang kanyang ‘Tulfo and Chill’ design sa mga t-shirt at jacket ay naka-copyright sa Department of Trade and Industry.

“Ito pong Shopee and Lazada ang titigas po ng ulo, continue pa rin po ng pagbebenta ng fake na mga gamot, fake na mga merchandise,” ayon sa public affairs host.

“Ang pakialam lang po ng Shopee and Lazada, kumita ng kumita, wala silang proper screening,” aniya pa.

Dagdag pa ng palabang host, marami na ang nagrereklamo na mga merchant kay Tulfo tungkol sa Shopee at Lazada ngunit ayaw lang magpa-on air.

“Kapag hindi niyo po pinull-out yung mga RTIA merchandise diyan na murang-mura na mga peke at nagpadala na kami ng notice… I’ll take you to court,” giit ni Tulfo.

“Kakaladkarin ko kayo sa korte. Ang titigas ng ulo niyo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?