251
Puncia sasabak sa ‘patayang’ triathlon
By ,

Puncia sasabak sa ‘patayang’ triathlon

Si Romeo Tumayao Puncia III ang kauna-unahang Pilipino na sasabak sa Ultraman Florida 2019 ngayong buwan at kakatawanin nito ang Pilipinas at United Arab Emirates.

Kabuuang 49 na atleta ang sasabak sa isa pinakamahirap na triathlon race sa mundo na binubuo ng 10km na langoy, 423km na biskleta at 84.3km na takbo.

Isang medical emergency technician ang 32-anyos na si Puncia sa Abu Dhabi at ayon sa kanya, magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman sa pagsabak niya dito.

“Kinakabahan, kasi I am representing UAE and Philippines at maraming tao ang manonood ng race na iyon, especially sa online, and excited, kasi first time kong makapunta ng US at ma-meet ang iba pang atleta from the different parts of the world,” sabi ni Puncia sa panayam ng ABS-CBN.

Humihingi rin ng dasal si Puncia para maiwasan nito na makatamo ng kahit ano mang injury at magkaroon ng sapat na lakas para matapos niya ang karerang ito.

Kung sakaling palarin siya at matapos ang nasabing event ay magagawa niyang ipagpatuloy ang pagtulong sa tribal communities sa Palawan para sa Sports Festival nito sa Abril.

Kamakailan lang nakatanggap ng parangal si Puncia na Pride of Abu Dhabi Awards 2018 dahil sa magandang layunin nito at siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nakatanggap nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?