14

Feb 11, 2021 @ 18:59
By

Puna sa ikinakasang food security summit ipinagtanggol ng Malacañang

Ipinagtanggol ng Malacañang ang inilalargang food security summit matapos punahin na mayroon ng ganitong summit noong 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iba ang ikinakasang food security summit ngayong 2021 dahil ito ay magiging malawakan kumoara sa naunang ginawa noong 2018 na limitado lamang ang sakop nito.

Ayon sa kalihim, malaki ang idinulot na elekto ng halos usang taong pakikibaka sa COVID pandemic at halos lahat ng sektor ay naapektuhan ng COVID-19.

“Well, nagkaroon po tayo ng limitadong food summit sa ilang mga lugar sa Mindanao. Pero dahil nga po nangyari itong pandemyang ito,kinakailangan talaga ng ma malawakang food summit,” ani Roque.

Kasali aniya sa gagawing food summit ang mga kinatawan ng mga sektor ng magsasaka na ang produksiyon ay bigas, mais, high value crops, niyog, poulty, livestock, fisheries at iba pa.

Sinabi ni Roque na nais ni Pangulong Duterte na makasigurong may sapat na pagkain sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino.

“Layunin ng food security summit na pangungunahan ng Department of Agriculture na pag-usapan ang mga hakbang na gagawin para direktang sagutin ang mga kasalukuyang isyu sa sektor ng Agrikultura,” dagdag ni Roque.

Nauna rito inihayag ni secretary Manny Piñol na mayroon ng food security summit na ginawa at nagsumite na rin sila ng mga dapat pondohan subalit wala umanong budget na inilaan dito ang gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?