3,224

By

Pumunta kang Batangas para malaman mong mga binigay ko – VP Leni kay Mocha

Hinamon ni Vice President Leni Robredo si Overseas Workers Welfare Administration deputy executive director Mocha Uson na magtungo sa mga evacuation center sa Batangas para malaman kung totoong limang pirasong pandesal lang at tubig ang binigay ng top official.

Ito’y matapos punahin ni Robredo si Uson dahil sa naging post nito sa Facebook page na ‘Mocha Uson Blog’ kung saan sinabing mas malaki pa umano ang nagasta ng Bise Presidente sa media kaysa sa donasyon sa mga Taal evacuee.

“I called her attention kasi nagsisinungaling siya. Sa akin, kung pinapasuweldo ka ng pera ng taumbayan, obligasyon mong hindi ka magsisinungaling,” ayon kay VP Leni.

Kaya naman hinamon ni Robredo si Uson na pumunta mismo sa Batangas para malaman kung ano ang kanyang mga nabigay sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

“Madali lang naman malaman. Pumunta siya roon sa mga pinuntahan namin; tanungin niya iyong mga binigyan. At pinaliwanag na sa kaniya, marami nang na-interview doon, talagang ini-insist niya pa rin iyong kasinungalingan para lang maipakita niya na siya iyong tama. Eh, ang kasinungalingan, kahit bali-baliktarin mo, kasinungalingan pa rin iyon,” lahad ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?