115

Dec 16, 2017 @ 11:22
By

Pumatay sa biyuda, live-in partner ang suspek

Itinuturing na ‘person of interest’ ang live-in partner ng 46-anyos na biyudang nagtamo ng 12 saksak noong nakaraang Miyerkoles sa Purok 2, Brgy. Doña Lucia, Quezon, Nueva Ecija.

Sa nakalap na ulat ng Abante sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, acting Nueva Ecija provincial director, nakilala ang biktima na si Henedina Ignacio Corilla, biyuda, ihaw-ihaw vendor.

Kinilala naman ang live-in partner nitong si Robert Angeles Bactol, 47, jeepney driver.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang matuklasan ni Mhariz Pangilinan Bactol, 13, stepdaughter ng biktima, ang nakahandusay na bangkay ni Corilla.

Sa imbestigasyon ay narekober ng tauhan ng Nueva Ecija Police Crime Laboratory ang isang duguang kitchen knife, isang baseball bat at duguang T-shirt.

Pitong saksak sa leeg at limang saksak sa dibdib ang tinamo umano ng biktima mula sa ka-live in nitong pinaghahanap ngayon ng mga pulis dahil nagtatago na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?