77

By

Pumatay sa 5 PDEA agent inasunto na

Sharing is caring!

Kilala na ng PNP ang walo sa mga pinaghihinalaang sangkot sa pananambang at pagpatay sa limang ahente ng PDEA sa Kapai, Lanao del Sur noong nakaraang linggo.

Ang walong suspek ay sina Oscar Capal Gandawali, Palawan Salem Macalabo, Lala Lolo Amboloto, Jamal Lolo Amboloto, Mizangcad Panonde Gandawali, Aiman Guro Gandawali, Jamel Borar alias Memekan, at William Gandawali.

Sinampahan na sila ng mga kasong multiple murder at double frustrated murder.

Ayon sa PNP, paghihiganti ang motibo sa ambush dahil ang mga suspek ay kaanak ni Comayog Macapagal, ng Tagoloan, Lanao de Sur.

Si Comayog ay kabilang sa ‘narco list’ sa Marawi City at napatay sa isang buy-bust operation noong Agosto 8 sa lungsod.

Si Macapagal ang nag-plano diumano ng paghihiganti at kinalap nito ang ilang kaanak para tambangan ang mga anti-drug agents.

Nabatid na ito ay punong-barangay sa Inudaran, Tagoloan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?