abante-tnt-vismin-civil-service

Pumasa sa civil service exam, 10.7% lang – CSC

Sharing is caring!

Kakaunti lang ang pumasa sa 238,966 examinees na kumuha ng pagsusulit sa Career Service Professional noong Marso 18.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC), nasa 25,602 o 10.71 porsiyento lang ang nakapasa sa civil service exams sa professional.

Mas mataas lang ng kaunti ang pumasa naman para sa Career Service Sub-Professional examination na 11.20 porsiyento o 4,573 sa 40,821 na kumuha ng pagsusulit.

Karamihan ng pumasa ay mula sa Cordillera Administrative Region sa professional level.

Habang nanaig ang National Capital Region (NCR) sa subprofessional level.

Samantala, itinakda ang susunod na Career Service examinations sa Agosto 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?