34

By

Pumapatay sa yamang dagat! Single-use plastic ipagbawal nationwide – Villar

Kailangan nang ipagbawal ang “single-use plastic”, ayon kay Senadora Cynthia Villar.

Ginawa ni Villar ang panawagan sa 2nd Principals’ Meeting sa conference ng Manila Bay Task Force kung saan binigyang-diin nito na ang plastic waste ang pinaka-nakakaalarmang environmental issue.

“Ang plastic ang isa sa pinakamalubhang nakakapinsala sa ating kapaligiran at pumapatay sa mga yamang-dagat. Alam natin lahat iyan dahil sa lahat ng mga cleanup, puro plastic wastes ang nako-collect natin,” pahayag ng senadora.

Ayon kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, sa kabila ng pagbabawal ng mga siyudad sa paggamit ng plastic, napakalaki pa rin ng ating problema sa plastic.

Bunga nito, naniniwala ang senadora na kailangan ang nationwide ban sa plastic na suportado naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Villar, magsasagawa siya ng public hearing sa Senate Bill 333 o ang Single-Use Plastic Product Regulation Act na kanyang inakda.

Layunin nito na i-regulate ang manufacturing, importasyon at single-use ng plastic products.

Sa ilalim din ng panukala, ipagbabawal ang single-use plastics sa food establishments, mga tindahan, merkado at retailers.

Pinaalalahanan din ang consumers na gumamit ng reusable materials at ang manufacturers na kolektahin, mag-recycle at itapon ang single-use plastics na nasa merkado.

Hindi na rin papayagan ang importasyon ng single-use plastics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?