77

Jan 21, 2019 @ 18:22

Pulso ng botante sa BOL, igagalang ni Duterte

Irerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang magiging resulta ng plebisito sa Mindanao para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng unang bugso ng plebisito ngayong Lunes na susundan ng ikalawang bahagi sa Pebrero 6.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, umaasa ang Palasyo na mamamayani ang “yes” vote pero nakasalalay pa rin ito sa pulso ng mga botante.

Batid ng Malacañang na sa kabila ng information campaign para sa plebisito ay marami pa rin ang hindi makunbinsi para sa pagpapalit ng political entity sa Mindanao kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Well, hopefully. But we cannot determine the pulse of the people. But what is certain is, the President will abide whatever the decision of the voters there,” ani Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?