88
Grace Poe
By

Pulse Asia: Poe nanguna sa 2019 senatorial elections survey

Sharing is caring!

Nangibabaw si Senadora Grace Poe sa pinakabagong survey na isinagawa ng Pulse Asia sa mga napupusuang senador ng mga Pinoy sa darating na midterm elections sa susunod na taon.

Sa survey na isinagawa mula Hunyo 15-21, 67.4 porsiyento ang nagsabing iboboto nila si Poe sa susunod na eleksiyon habang 99% ang aware sa kanya.

Sinundan siya ni Rep. Pia Cayetano sa nakuhang 97% awareness at 55.7% ang gustong bumoto sa kanya.

Pumangatlo sa listahan si Senador Cynthia Villar sa nakuha nitong 96% awarness habang 50.1% ang nagsabing gusto nilang iboto muli ang mambabatas sa susunod na halalan.

Samantala, pasok sa tinatawag na “Magic 12” sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (46.2% ang boboto), Sen. Sonny Angara (41.9%), dating senador Jinggoy Estrada (37.9%), dating PNP chief Ronald dela Rosa (37.7%), Sen. Aquilino Pimentel III (37.7%), Sen. Nancy Binay (37.1%), Sergio ‘Serge’ Osmeña (36.6%), dating senador Lito Lapid (36.2%), Sen. JV Ejercito (35.6%) at Sen. Bam Aquino (32.1%).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?