3
views

By

Pulse Asia: Karamihan ng Pinoy, nagtitiwala pa rin kay Duterte

Sharing is caring!

Tumaas ang approval at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Hunyo, ayon sa survey na inilabas ng Pulse Asia ngayong Biyernes.

Nakakuha ng 88 porsiyento na approval rating si Pangulong Duterte habang 87 porsiyento naman sa trust rating.

Noong January 2018 survey ng Pulse Asia, nakapagtala lang ng 80 percent approval rating ang Pangulo habang ang trust rating niya ay 82 percent.

Nitong June survey, tatlong porsiyento lang ang may disgusto sa 1,800 respondents na tinanong nationwide sa pamumuno ni Pangulong Duterte habang 10 percent ang undecided.

Nananatili siyang most approved government official, na sinundan ni dating Senate President Aquilino Pimentel III sa 72 percent, Vice President Leni Robredo (62%), at House Speaker Pantaleon Alvarez (47%).

Ang Pangulo rin ang nananatiling pinaka-pinagkakatiwalaan sa mga opisyal ng gobyerno (87%), na sinundan ni Pimentel (64%), Robredo (56%), Alvarez (45%), at dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno (19%).

Isinagawa ang survey mula Hunyo 15-21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?