101
Pulse Asia: Karamihan ng Pinoy nagtitiwala kay Duterte
By

Pulse Asia: Karamihan ng Pinoy nagtitiwala kay Duterte

Walo sa sampung Filipino ang nagtitiwala at masaya sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa resulta ng survey ng Pulse Asia.

Lumabas na 85 porsiyento sa tinanong na 1,200 adults nationwide ang satisfied sa performance ng Presidente.

Labor Sec. Bello gustong maging senador – Duterte

Nanatili naman sa 85 percent ang trust rating ng Pangulo.

Para sa WPS: Duterte pasaklolo na sa Amerika kontra China

Samantala, nakatanggap naman si Vice President Leni Robredo ng 55% approval rating at 52% trust rating, mas mataas ito kumpara sa 49% at 47% ratings na natanggap niya sa nakaraang quarter.

Duterte binuweltahan ang Iceland: Wala kayong crime kasi ice lang ang problema n’yo!

Maging ang trust at approval ratings ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay tumaas din sa 73% at 77% mula sa dating 65% at 61% ng nakaraang bahagi ng taon.

Duterte numero unong most trusted official – Pulse Asia

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?