63
garyalejano
Dec 25, 2017 @ 19:28
By

Pulong, inunahan ang imbestigasyon ng Ombudsman – Alejano

Karapatan umano ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte na gumawa ng mga hakbang na sa tingin nito ay nararapat para sa hinaharap na personal issues.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano na hindi mabubura ng pagbibitiw ni Duterte ang katotohanan na hindi pa nasasagot ang usapin sa 604 kilograms shabu shipment na kinasangkutan nito.

Ayon kay Alejano, hindi pa natutukoy at nahuhuli kung sino ang mga utak sa likod ng P6.4 billion shabu shipment.

Nagpasaring rin ito na baka inunahan lang ni Polong ang resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman.

“Or is he preempting an Ombudsman decision on his corruption case?” ani Alejano.

Sabi pa ng kongresista, hindi rin maliligaw ang katotohanan na bagama’t sinasabi ng pamilya Duterte na mahirap at simple lamang ito ay kabaligtaran naman ang ipinakita ng anak ni Pulong na si Isabelle sa pag-display ng yaman at kapangyarihan.

Dagdag pa nito, maging ang pagdurusa ng mga taga-Davao at iba pang lugar dahil sa pagbaha at sunog ay hindi maiibsan ng resignation ng bise alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?