4
abante-tnt-vismin-philip-roth

Pulitzer-winning novelist Philip Roth pumanaw na

Sharing is caring!

Namatay na ang kilalang nobelista at nagwagi sa Pulitzer Prize na si Philip Roth sa edad na 85.

Naospital si Roth dalawang linggo na ang nakalilipas dahil sa tachycardia na maraming taon na rin niyang nilalabanan.

Pumanaw siya dahil sa congestive heart failure kung saan kapiling niya ang malalapit sa kanya at ang kanyang pamilya sa huling sandali ng kanyang buhay.

Kabilang si Roth sa mga kilalang nobelista noong 20th century sa Amerika,

Nakapaglabas na rin siya ng mahigit dalawang dosenang libro kabilang na ang “Goodbye, Columbus and Five Short Stories” at “The Plot Against America”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?