8
ABANTE aaron aquino pdea transport illegal drugs
By

Pulitiko sa ‘narcolist’ nabawasan na – PDEA

Sharing is caring!

Nabawasan na ang bilang ng mga pulitiko na nasa listahan na sinasabing sangkot sa pagtutulak o nagbibigay ng proteksiyon sa ‘illegal drug trade’ sa bansa.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, mula sa dating 96 ang kanilang nasa narcolist ay 87 na lamang sa ngayon.

Sa nasabing bilang ay 67 ang alkalde, pito ang kongresista ang iba ay Vice Mayor at mga konsehal.

Sinabi ni Aquino, natakot na ang iba kaya kusa nang bumaba sa kani-kanilang puwesto at ang iba ay tuluyan nang tumigil sa kanilang ilegal na gawain.

Ani Aquino, siyam na dating pulitiko na tumangging tukuyin ang mga pangalan ang inalis na sa puwesto habang ang iba ay kusang nag-Absent Without Official Leave (AWOL) hanggang tuluyang sibakin sa kanilang posisyon.

“Mayroon ding nasawi sa karamdaman o “natural deaths.” pahayag pa ni Aquino.

Una nang pinangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang ang napaslang na si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili na nasa ‘narcolist’ ng PDEA .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?