26

Jan 12, 2021 @ 13:49
By

Pulis wanted sa panghahalay, homicide timbog

Arestado ang isang dating kawani ng Philippine National Police (PNP) na matagal nang wanted sa kasong panghahalay at attempted homicide sa San Fernando, Pampanga.

Kinilala ang suspek bilang si Leonardo Soberano na dating nakadestino sa Iloilo Police Provincial Office.

Ayon sa ulat, nadakip ng PNP Anti-Kidnapping Group si Soberano noong Enero 8 sa Bgy. San Agustin.

Anila, nag-AWOL (absence without leave) ang suspek sa serbisyo matapos gahasain at tinangkang patayin ang isang 18-anyos na babae noong Marso 2009.

Nahulihan din ang suspek ng caliber .45 pistol Norinco 1911 na may serial number 821653; one magazine for caliber .45 na may pitong live ammunition at isang actical Carbine M44 6MM BB na may serial number CQ80057 ICS.

Walang piyansa ang inirekomenda sa mga kaso ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?