109

Dec 16, 2020 @ 12:17
By

Pulis todas sa pananambang sa Bataan

SAMAL, Bataan – Isang pulis ang tinambangan at napatay dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo mula sa mga salarin na sakay ng isang sasakyan na hindi pa matukoy ng mga nakasaksing mga residente sa barangay Adamson ng nasabing bayan ngayong umaga.

Ayon sa mg awtoridad ng Samal Bataan Police , ang pananambang ay naganap pasado alas-8:00 ng umaga ngayong Miyekules matapos ang pagdu-duty sa presinto ng biktima.

Ayaw pa ipagbigay alam ng mga awtoridad ang kompletong pagkakakilanlan sa pulis at tangging ang apelyidong Coconer at ang rango nitong Staff Sergeant dahil dalawang linggo pa lamang ito nadedestino sa Balanga Bataan Police Station mula sa Surigao.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa lugar ang mga kapulisan at inaalam ang motibo ng pananambang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?