443

Mar 15, 2020 @ 16:00
By

Pulis todas sa COVID-19: Ibang parak naka-quarantine

Sinailalim sa quarantine ang lahat ng tauhan ng Manila Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos ang kumpirmasyon ng pagkamatay ng isang pulis na patient under investigation sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinag-utos ni Manila Police District (MPD) director PBGen. Bernabe Balba na ma-confine muna sa tanggapan ng Manila CIDG ang mga pulis, bilang pag-iingat habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test ng pumanaw na pulis na lalabas sa Martes, March 17, 2020.

Sakali mang positibo sa COVID-19 ang yumaong pulis, ipagpapatuloy ng mga naiwang tauhan ang kanilang quarantine habang minomonitor sila ng MPD Health Service.

Iko-confine din umano ang mga kawani ng CIDG National Capital Region sa kanilang tanggapan sa Camp Crame, bilang pag-iingat at alinsunod sa utos ng kanilang Command Group.

Dakong alas-8:00 ng gabi, Marso 14, dineklarang patay dahil sa respiratory failure ang pulis ng kanyang attending physician matapos ang pagkaka-confine nito sa Adventist Medical Center sa Pasay City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?