34
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos
By

Pulis todas sa bangag na suspek

Idineklarang dead on arrival ang isang pulis matapos mabaril ng nagwalang lalaki sa Plaridel, Bulacan Biyernes ng gabi.

Batay sa report, kabilang ang biktimang si Police Corporal Danilo Tamaliluan sa team na nagresponde sa reklamo hinggil sa pananakot ng shotgun ng suspek na si Nesty Nacino sa mga residente sa Barangay Lalangan.

Nakulong na noong 2008 si Nacino pero nakalaya sa Bulacan Provincial Jail noong 2016 matapos mapawalang-sala sa kasong drug possession.

Binaril ni Nacino sa mukha si Tamaliuan at nakipagbarilan sa apat pang pulis nang mamataan ang pagdating ng mga ito.

Tumakbo ang suspek patungong construction site na hinabol ng mga pulis kung saan nagbato pa si Nacino ng granada pero hindi sumabog.

Kalaunan ay tumumba sa pakikipag-engkuwentro sa mga pulis si Nacino.

Ayon sa Bulacan Police, posibleng nasa impluwensiya ng droga ang suspek dahil nakuha sa pag-iingat nito ang nasa 66 na sachet ng hinihinalang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,