147
soco2

Pulis todas matapos mambugbog ng trike driver

Sharing is caring!

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang bagitong pulis matapos barilin at mapatay ng mga kabaro nito nitong Lunes sa Davao City.

Ayon sa ulat, binugbog ng suspek na may ranggong police officer 1 ang isang tricycle driver kaya’t isinuplong ito ng mga residente sa lugar.

Nang dumating ang kapulisan, binaril umano ng pulis ang mobile, dahilan para paputukan siya ng mga operatiba.

Nakuha sa lugar ng insidente ang service firearm na ginamit ng napatay na pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?