63

Nov 25, 2017 @ 15:56
By

Pulis todas, 10 pa sugatan sa engkuwentro

Patay ang isang pulis habang 10 pa ang sugatan matapos tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maasin, Iloilo kagabi.

Ayon kay PNP Region 6 Spokesman Supt. Gilbert Gorero, dakong alas-sais ng gabi habang sakay ng PNP vehicles ang 42 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 6 at isang nakatalaga sa Camp Delgado sa pangunguna ni Police Chief Inspector Edyliz Richie Crucero at dumadaan sa may bahagi ng Sitio Camansi Bolo, Maasin, Iloilo nang biglang pasabugin ng NPA ang kanilang itinanim na bomba.

Dahil dito agad na naging alerto ang tropa ng PNP at kumilos para makaganti sa mga kalaban kung saan nagkaroon ng ilang minutong sagupaan dahilan ng pagkasawi ng isang pulis at 10 ang sugatan.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Joefill Tallador Odon, habang ang mga sugatan ay sina P/Insp. Joy Melvin Dulce, PO1 Delby Bachiller, PO1 Rolando Lozada, PO1 Vincent Yasay, PO1 April Ray Ansag, PO1 Rolly Talento, PO1 Kim Iber Cornel, PO1 Keneth Delejero, PO1 Paul John Banquillo at PO3 Jose Manuel Bana-ay.

Sa ngayon nagpapatuloy ang combat operation ng tropa ng pamahalaan sa mga nakasagupang rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?