27

Dec 3, 2020 @ 14:29
By

Pulis tinadtad ng bala sa Cebu

Patay ang isang pulis nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Dumlog, Toledo City, Cebu nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat, kinilala ang biktimang si Staff Sgt. Gerfil Geolina, 44, nakatalaga sa bayan ng Asturias sa Cebu.

Nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima pasado alas-9:00 ng umaga nang tabihan ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo at pinaulanan siya ng bala.

Ani Police Lt. Col. Junnel Caadlawon, hepe ng Toledo City Police, nakarinig ang mga residente sa lugar ng sunud-sunod na putok ng baril at nang lumabas sila sa kalsada ay nakita na lang na nakahandusay na ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?