80

Jul 27, 2021 @ 13:42
By

Pulis, tiklo sa panghihingi ng pera sa aplikante

Arestado ang isang police master sergeant matapos mapag-alamang nanghingi ito ng pera isang aplikante sa pangakong makakapasok siya sa huling listahan ng mga bagong recruit sa PNP.

Sa report ng PNP nitong Martes, kinilala ang suspek na si Police Master Sgt. Edmund Olaviano Delos Reyes.

Iang entrapment operation noong Lunes sa Bagong Lipunan, Quezon City ang ikinasa upang siya ay madakip.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, nanghingi si Delos Reyes ng P6,000 sa isang biktima na para daw makapasok siya sa PNP.

Kasalukuyang naka-detain ang suspek sa IMEG Headquarters sa Camp Crame.

Samantala, patuloy umanong iimbestigahan ang nadiskubreng gawain upang malaman kung marami pa sa mga pulis ang gumagawa nito.“Ang ating PNP recruitment procedure ay dapat hindi nababahiran ng anumang katiwalian o korapsyon upang masiguro natin ang integridad ng ating proseso at maging patas sa lahat ng mga aplikante,” pahayag ni Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?