44

By

Pulis tiklo dahil sa pangongotong

Sharing is caring!

Dinakip ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) ang isang pulis makaraang maaktuhang nangongotong sa mga drayber sa Lucky Gold terminal sa Rosario, Pasig City.

Ang naarestong pulis ay kinilalang si Senior Police Officer 1 Adonis Corpuz nakatalaga sa Traffic Management Unit (TMU), Eastern Police District (EPD).

Ayon kay PNP CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Nicanor alas 8:30 ng umaga kanina nang isagawa ang entrapment operation laban sa pulis sa isang convenience store sa Rosario Pasig City.

Inaresto ito makaraang tanggapin ang isang libong pisong marked money mula sa isa sa mga nagrereklamo.

Batay sa pahayag ng isa sa mga nagrereklamo na si Claudio Homicillda, isang Terminal Dispatcher, nagongolekta si SPO1 Corpuz ng tig isang libong piso sa bawat UV Express driver kada a kinse at katapusan ng buwan bilang protection money umano.

Bukod rito nangongolekta rin ito ng tig 500 piso sa mga habal-habal drayber kada linggo.

Nasa kustodiya na ito ng PNP CITF at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?