4,471

By

Pulis, sundalo na nagbarilan matapos malasing, binugbog ni Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga alagad ng batas sa pag-inom sa mga pampublikong lugar na nagdudulot umano ng kaguluhan.

“Kayong mga pulis, I’m warning you, do not drink in public. Sa Davao pinagbawalan ko ‘yan,” anang Pangulo.

Sakop umano ng kanyang babala ang mga sundalo.

“Kasi wala kayong ibang gawin pag lasing na, pati army, wag kayong magdala ng baril. Kasi itong army pati pulis isa rin itong mag-agawan ng microphone… ‘pag lasing na, magbarilan na ang mga gago,” aniya.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan matapos umano nitong upakan ang isang sundalo at pulis na nagbarilan dahil sa kalasingan.

“Kahapon may nagbarilan na (pulis at) army sinuntok ko silang dalawa sa ospital… sabi ko sa doctor labas ka muna, binugbog ko ‘yung dalawa letse kayo,” kuwento pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?